Posibleng makaranas ng kakulangan sa pagkain ang Pilipinas.
Ito ayon kay Dr. Harvey Glink ng Agricultural Biotechnology Firm na Monsato Asia ay kung mabibigo ang gobyerno na magpatupad ng mahusay na food security policy na ginagamitan ng makabagong agricultural biotechnology.
Sinabi ni Glink na dapat ay sanayin na ang mga magsasaka na gumamit ng biotechnology bilang makabagong paraan ng breeding crops lalo na’t hindi nakakasapat ang mga kasalukuyang paraan para makaagapay sa pagkain ng 101 milyong Pilipino.
Binigyang diin ni Glink na batay sa research sa paggamit ng agricultural biotechnology ang paggamit ng modern methods ng plant breeding ay nagreresulta sa 22 pagtaas ng ani, 37 porsyentong bawas sa paggamit ng pesticides at halos 70 porsyento nang pagtaas ng kita dahil na rin sa pagtaas ng produksyon.
By Judith Larino