Aabot sa 9,182 candidates mula sa 10,006 ang nakatapos ng ika-4 at huling araw ng 2022 Bar Examinations noong linggo.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, katumbas ito ng 91.77% na turn-out, mas mababa kumpara sa 92.01% na naitala noong Nobyembre 9 na unang araw ng eksaminasyon.
Ibinase ang bilang sa dumalong candidates ng SC para sa panghapong pagsusulit sa 14 na examination sites sa buong bansa.
Bago matapos ang 2022 o pagpasok ng 2023, inaasahang ilalabas ng korte suprema ang resulta ng 2022 online Bar Examinations.