Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na maikakasa kaagad ang plano ng Thailand na palawigin ang operasyon ng mga kumpanyang Thai sa Pilipinas.
Ayon ito kay DTI Secretary Alfredo Pascual matapos ang pagdalo ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa APEC Summit.
Sinabi ni Pascual, bahagi ng delegasyon ng Pilipinas na ipinaabot ng ilang kumpanya ng Thailand ang plano nilang expansion ng kanilang operasyon sa Pilipinas.
Kabilang sa mga kumpanyang ito ay nasa sektor ng construction, agriculture, retail, renewable energy at posibleng investments sa connectivity ng Pilipinas.
Una nang hinimok ng Pangulong Marcos ang Thai firms tulad ng CP Group na makiisa sa Public Private Partnership (PPP) Projects.