Mahigit 30 katao ang nasawi sa air strike ng Turkey sa Syria.
Matapos itong tumama sa mga lalawigan ng Raqa, Hassakeh, at Aleppo.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, 18 miyembro ng Kurdish-Led Syrian Democratic Forces ang namatay, 12 miyembro ng Syria military, isang journalist, at ilan pang sibilyan.
Samantala, iginiit ng Turkey na ang naturang hakbang ay laban sa mga Kurdish Militant Group na Kurdistan Worker’s Party (PKK) sa Northern Syria at Iraq na ginagamit para maglunsad ng terrorist attacks.