Hiniling na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Commission on Audit (COA) na tingnan ang mga anomalya sa ahensya sa gitna ng kontrobersyal na paghuhukay sa new bilibid prison.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, pormal nang isinumite ni BuCor Chief Gregorio Catapang ang request letter para magsagawa ng audit sa Corrections Bureau na dating pinamunuan ni suspended Chief Gerald Bantag.
Nakatakda namang bumuo ng special audit team ang BuCor oras na matanggap ang request letter.