Kasado sa Disyembre a – 5 ang public hearing para sa deliberasyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Subscriber Identity Module o SIM Registration Act.
Inimbitahan na ng National Telecommunications Commission ang lahat ng stakeholders sa public consultation para sa Republic Act 11934, na magsisimula alas-2 ng hapon.
Layunin ng R.A. 11934 na obligahin ang mga mobile communication users na irehistro ang kanilang sim card at mapigilan ang mga krimen gaya ng Text Scam at Spam.
Sa ilalim ng unang full draft ng IRR para sa public consultation, lahat ng existing sim subscribers ay dapat magparehistro sa loob ng anim na buwan simula nang ipatupad ang nasabing batas.
Inaasahan namang mailalabas ang IRR sa Disyembre a – 12 sa Plenary Deliberation at tuluyang maipatupad ng Department of Information and Communications Technology sa Disyembre a – 27, ngayong taon.