“Good” news para sa mga motorista at consumer.
Sa ika-apat na sunod na linggo, muling umarangkada ang tapyas-presyo ng mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto.
Epektibo alas 12:01 kaninang hatinggabi buena manong ipinatupad ng Caltex ang P2.15 rollback sa kada litro ng diesel, P0.40 sa gasolina habang P2.10 centavos sa kerosene.
Ala-6 naman ngayong umaga inilarga ng Shell, Petron, Seoil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti, Flying V at Petrogazz ang kahalintulad na price adjustment.
Samantala, alas-8 mamayang umaga rin ipatutupad ng Cleanfuel ang rollback sa presyo ng kanilang produkto.
Una nang inihayag ng Department of Energy na ang pagbaba ng Oil Demand sa China bunsod ng nararanasang panibagong Covid-19 surge ang dahilan nang bawas-presyo.