Patuloy na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon ng mga Pilipino na nasa West Java, Indonesia.
Kasunod ito ng naitalang magnitude 5.6 na lindol kung saan mahigit isandaang indibidwal ang napaulat na nasawi.
Sinabi ng DFA na wala pa silang nakukuhang ulat kung may nadamay na Pinoy sa malakas na lindol.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa embahada ng Pilipinas sa Indonesia at pinapaalalahan ang mga Pinoy doon na mag-ingat sa epekto ng aftershocks.