Binatikos ng senado ang Department of Health (DOH) hinggil sa nasayang na bakuna laban sa COVID-19 na nagkakahalagang P15.6-B.
Ayon kay senator Risa Hontiveros, nakababahala ang mga nasayang na bakuna dahil marami pang krisis na kinakaharap ngayon ang bansa.
Kumpiyansa naman ang senado sa DOH na palalawakin nito ang pagkilos upang mabawasan ang bilang ng mga nasasayang na doses ng bakuna.
Nanawagan din ang gobyerno na palakasin pa ang vaccination program ng pamahalaan upang hindi maapektuhan ang administrasyon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla