Binalaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang publiko hinggil sa mga kumakalat sa social media na nag-aalok sa online training.
Ayon sa TESDA, hindi otorisado ang mga nagkakalat na sites ng TESDA sa lahat ng social media platforms.
Hinikayat naman ng TESDA ang publiko na mag-inquire na lamang sa kanilang website sa e-tesda.gov.ph para sa mga programa nito upang maiwasan ang maloko.
Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na ipagbigay-alam agad sa kanilang tanggapan sakaling mayroong manghingi ng bayad mula sa mga hindi otorisadong social media site. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla