Muling ilalarga ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kanilang libreng COVID-19 booster vaccination sa mga istasyon ng LRT Line-2.
Hinikayat ng LRTA ang publiko na magpabakuna na hangga’t libre pa ang booster ng pamahalaan.
Magsisimula ang free booster shots alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon tuwing Lunes.
Layunin nitong mapalakas ang proteksyon ng publiko mula sa COVID-19 upang bumalik na sa normal ang pamumuhay ng bawat Pilipino.
Naglagay rin ang naturang rail transit system ng bakunahan sa LRT-2 Araneta Center sa Cubao tuwing Lunes lamang.
Samantala, katuwang ng LRTA ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa nasabing programa. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla