Nababahala ang World Health Organization (WHO) sa panganib na dala ng tag-lamig sa mga mamamayan ng Ukraine.
Ayon kay Dr. Jarno Habicht, WHO Representative sa Ukraine, ito ay dahil sa kawalan ng access sa mga gamot.
Paliwanag niya, ang patuloy na pag-atake ng Russia sa nasabing bansa ay siyang dahilan ng pagkasira ng iba’t ibang health facilities.
Nabatid na mahigit 700 health care facilities sa Ukraine ang naapektuhan ng naturang giyera mula pa noong Pebrero.