Umabot na sa 26,244 ang bilang ng drug cleared barangay sa bansa.
Ito’y ayon sa Philippine National Police (PNP), kung saan mula ito sa kabuuang 35,356 drug-affected barangays.
Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na resulta ito ng pinaigting na Barangay Drug Clearing Program mula noong Hulyo 2016 hanggang Nobyembre ngayong taon.
Batay sa datos, nanguna sa rehiyong nalinis na mula sa iligal na droga ang Cagayan Valley, sinundan ng Cordillera Region, MIMAROPA, Eastern Visayas at SOCCSKSARGEN.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang PNP Chief sa lahat ng ahensya ng gobyerno sa pakikiisa nito sa kampanya laban sa iligal na droga at tiniyak ang patuloy na pakikipag-ugnayan nito sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)