Nakatakdang lumaban ang kuponan ng Pilipinas para sa Men’s and Women’s Division ng Volleyball World Beach Pro Tour Futures sa susunod na buwan.
Ang nasabing kuponan ng bansa ay hinati sa 3 pares na kinabibilangan nina Jude Garcia At Krung Arbasto, Ranran Abdilla at Jaron Requinton, James Buytrago at Pol Salvador.
Magsisilbi namang host ng naturang tournament ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) kung saan gaganapin ito sa Subic Bay Sand Court sa Disyembre.