Niyanig kagabi ng magnitude 5.0 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.
Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), alas-7:23 ng gabi nang ng maramdaman ang pagyanig.
Naitala ito sa layong 125 km silangan ng Davao Occidental na may lalim na 120 kilometro.
Naramdaman naman sa General Santos City at ilang bahagi ng Sarangani Province ang intensity 1.
Ang nasabing lindol ay tectonic in origin.
Wala namang naitalang pinsala at nasaktan bunsod ng naturang pagyanig. Wala ring inaasahang tsunami at aftershocks.
By Mariboy Ysibido