Tinalikuran na ni DSWD secretary Erwin Tulfo ang pagiging American Citizen ngayong taon bago italaga sa naturang ahensya.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Tulfo matapos ang Executive Session kaugnay ng kanyang Confirmation ng Commission on Appointments (CA).
Bagaman aminado si Tulfo na sa ngayon ay Filipino Citizen siya, may ilang C.A. member ang kumuwestyon sa “timing” ng pag-renounce o pagtalikod niya sa pagiging American Citizen.
Napag- alaman kasi na naging enlisted si Tulfo ng U.S. Army mula 1988 hanggang 1992 at nasa Active Military Service na naka-himpil sa Europe mula 1992 hanggang 1996.
Pagdating naman sa kanyang Conviction sa 4 counts ng Libel, inihayag ng kalihim na pinag-uusapan pa ng C.A. kung hihingin ang opinyon ng Department of Justice dahil tinatawag ito ng ilan na Morale Turpitude.
Gayunman, ilang miyembro ng komisyon ang nagsabi na akma lamang ang Morale Turpitude sa halal na opisyal at hindi sa appointed gaya ni Tulfo.
Samantala, inungkat din ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Johnny Pimentel ang lovelife ng Kalihim partikular ang relasyon nito sa kanyang 10 anak sa apat na babae.
Inihayag naman ng Kalihim na bagaman hiwalay na ay maayos pa rin ang pakiki-tungo niya sa mga nanay ng kanyang mga anak.
Nasa kamay na anya ng C.A. ang pagdedesisyon sa kanyang kumpirmasyon at bagaman ipagpapatuloy ito, wala pang ibinigay na petsa ang komisyon at kahit bigo pang makumpirma, tuloy ang kanyang pagtatrabaho bilang Kalihim ng DSWD —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)