Lumabas sa pag-aaral ng World Bank (WB) na isa ang Pilipinas sa 200 bansa na may pinaka-mahabang Average ng Life Expectancy.
Sa datos ng WB, ang Average Life Expectancy ng mga Pilipino noong 2020 o nang magsimula ang Covid-19 pandemic ay 71 years kumpara sa global average na 73.
Natuklasan din na ang Average Life Span sa Hong Kong at Japan ay 85 years, na siyang pinakamataas sa mundo habang 54 years lamang sa Central African Republic.
Samantala, batay naman sa 2022 data ng Philippine Statistics Authority, ang Average Life Span ng mga lalaking Pilipino ay 71 years habang 78 years para sa mga babae. —sa panulat ni Hannah Oledan