Nagbabala ang Quezon City police sa publiko hinggil sa Sanla-Scam Modus.
Ito’y matapos maaresto ang suspek na si Reymart Mirambil, 30 anyos, residente ng Barangay Pasong Tamo sa naturang lungsod.
Batay sa imbestigasyon, nagsanla ito ng inuupahang bahay kay Redison Sison Rigor sa halagang isang milyon piso.
Naniwala si Rigor sa suspek ngunit pag-aari pala ito Maria Rita Andaya na naninirahan sa ibang bansa.
Ayon sa pulisya, nakapagbayad ng P850,000 si Rigor kay Mirambil ngunit hindi na ito matawagan kaya’t isinuplong agad ito sa pulisya.
Gayunman, nagsagawa ang pulisya ng entrapment operation sa suspek. —sa panulat ni Jenn Patrolla