Inatasan ni Indonesian President Joko Widodo ang mga otoridad na iprayoridad ang pagliligtas sa mga biktima ng magnitude 5.6 na lindol sa West Java noong Lunes, Nobyembre 21.
Ayon sa National Disaster Mitigation Agency o BNPB, umabot sa mahigit 260 katao ang nasawi at mahigit isandaan pa ang nawawala.
Nasa 22,000 kabahayan naman ang nasira at 6,000 ang inilikas sa evacuation center.
Nabatid na personal na binisita ni Widodo ang lugar.