Ikinukunsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pagtatalaga ng full-pledged secretary sa Department of Agriculture.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pagdinig ng commission on appointment sa kanyang Ad Interim appointment.
Ayon kay Bersamin, pinag-aaralan na ng pangulo ang portfolio ng mga ikinukunsidera niyang italaga bilang agriculture secretary.
Gayunman, sinabi ni Bersamin na sa ngayon ay hindi pa handa ang punong ehekutibo na ianunsyo ang kanyang magiging desisyon.
Sa ngayon, tinututukan aniya ng pangulo ang pagresolba sa problema sa food production at security habang ang pang-araw-araw na aktibidad sa da ay pinamamahalaan ng isang competent undersecretary.
Bukod sa DA, sinabi ni Bersamin na patuloy din ang pag-aaral nila sa mga posibleng ilagay sa iba pang bakanteng posisyon sa gobyerno. – sa ulat mula kay Cely-Ortega Bueno (Patrol 19).