Nagpasalamat ang 9 year old chess champ na si Bince Operiano sa mga nagpa-abot ng tulong at nagpakita ng suporta sa kaniyang naging laban sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangok, Thailand kamakailan.
Matatandaang humakot ng medalya at tropeyo si Bince na kinabibilangan ng isang gold, isang silver, dalawang bronze medals, isang trophy, at certificates.
Ayon sa ama ng atleta na si Benrose “Ben” Operiano, wala mang cash prize ang sinalihang kompetisyon ng kaniyang anak, nag-uumapaw na tulong naman ang kanilang natanggap mula sa mga taga-suporta nito.
Pinasalamatan naman Ben ang publiko partikular na ang mga sumuporta at nagdasal sa nagdaang laban ni Bince na gumuhit ng panibagong karangalan sa Pilipinas.