Ginunita ng simbahang Katolika ang Red Wednesday bilang pakikiisa sa mga Kristiyano sa buong mundo na namamatay at inuusig dahil sa kanilang pananampalataya.
Ngayong taon ay may tema itong “Blessed are the Persecuted” habang isinagawa ang selebrasyon sa Antipolo Cathedral sa Rizal.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang kulay pula ay sumisimbolo sa pagka-martir ng mga nag-alay ng dugo at nagbuwis ng buhay sa ngalan ng Kristyanismo.
Lumabas sa mga pag-aaral na ang mga Kristyano ang nananatiling pinaka-inuusig na religious group sa mundo, partikular sa Middle East at Africa.
Sa Pilipinas, ang Red Wednesday ay isang official church activity na sinimulang gunitain noong January 2020. —sa panulat ni Hannah Oledan