Nagpadala na ang bansa ng note verbale sa China matapos ang komprontasyon sa pagitan ng pwersa ng Pinoy at Chinese soldiers malapit sa Pag -asa Island.
Ipinabatid ito ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para aniya malinawan ang insidente.
Binigyang diin ni Manalo ang paninindigan ng Pilipinas hinggil sa nasabing pangyayari.
Sinabi ni Manalo na naka depende sa magiging sagot ng China ang susunod na hakbang ng Pilipinas kaugnay sa sitwasyon.