Tiniyak ni Metro Manila Rail Transit (MRT-3) General Manager Engineer Federico Canar, Jr. na isasaalang-alang nito ang mga narinig nitong suhestyon para sa ikabubuti ng serbisyo ng MRT-3.
Ito ang inihayag ni Canar matapos ang isinagawa nitong surpise inspection kasama ang iba pang opisyal ng tren kahapon sa mga istasyon ng MRT-3 mula sa North Avenue Station.
Kung saan kinumusta nito ang mga pasahero at ininspeksiyon ang mga pasilidad, elevator, escalator, banyo, storage rooms, at ticketing offices sa mga istasyon ng tren. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 13)