Napipintong maideklara ang 2015 bilang pinakamainit na taon.
Ayon ito kay Michel Jarraud, pinuno ng World Meteorological Organization, isang linggo bago ang itinakdang Climate Change Summit sa Paris.
Ipinabatid ng WMO na batay sa kanilang record, pumapalo sa pinakamataas o pinakamainit na level ang temperatura sa lupa at dagat sa unang 10 buwan ng taong ito o mas mataas pa sa mga naitala noong 2014.
Lumalabas pa sa mga paunang data ng UN Agency na umabot na sa itinuturing na symbolic at significant milestone ng 1 degree Celsius o 1.8 degree Fahrenheit na mas mataas sa mid-19th Century levels ang global average surface temperature.
By Judith Larino