Umani ng iba’t-ibang reaksiyon sa mga netizen ang cryptic post ng Binibining Pilipinas 1st runner up na si Herlene Budol.
Sa Facebook account ng beauty queen, kaniyang ibinahagi ang isang bikini photo na may caption na “the end” kasama ng sad emoji emoticon.
Agad na nagbigay ng iba’t-ibang positibong komento ang mga netizen dahil sa tila pamamaalam ni Herlene sa binibining Pilipinas Pageant.
Matatandaang una nang napaulat na hindi na tumuloy si Herlene sa Miss Planet International dahil sa mga naging aberya ng pageant.
Dahil dito, mas pinalakas pa ng mga netizen ang loob ni Herlene para magpatuloy pa sa mga kompetisyon.