Nakararanas parin ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila partikular na ang Parañaque, Pasay, at Caloocan City.
Ang water service interruptions sa mga nabanggit na lungsod ay bunsod ng maintenance work activity ng Maynilad Water services na tatagal hanggang sa Linggo, November 27.
Una nang nakaranas ang ilang lugar sa Parañaque kaninang ala-una ng madaling araw kung saan, apektado ang barangays 201, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio at San Isidro.
Apektado rin ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang brgy. 181 hanggang 185 at ang 201 sa Pasay City.
Mawawalan din ng suplay ng tubig mamayang alas-onse ng gabi, ang brgy. 64, 65, 66, 69, 70, 73, 74, at 75 sa caloocan city na tatagal hanggang alas-kuwatro ng madaling araw ng November 27.
Inabisuhan naman ng water concessionaire ang kanilang mga customer na mag-imbak muna ng tubig upang mapaghandaan ang water service interruptions.