Hinimok ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga biktima ng pang-aabuso sa mga paaralan na dumulog sa Learner Rights and Protection Office (LRPO) at Learner Contact Center Helpline ng DepEd.
Ang LRPO ang tututok sa mga sumbong hinggil sa pang-aabuso, pagsasamantala at karahasan sa loob ng mga paaralan habang bukas ang helpline sa pagtugon sa mga report.
Sa 30th national children’s month sa DepEd Central Office sa Pasig, inihayag ni VP Inday na 1,871 reports na ng child abuse at karahasan ang natanggap ng kagawaran simula noong 2019 hanggang 2022.
Hinikayat din ng bise presidente ang mga teacher at personnel na tulungan ang mga mag-aaral na biktima ng mga pang-aabuso.
Maaaring i-access ang listahan ng mga hotlines, e-mail, at social media accounts sa pamamagitan ng website ng LRPO.