Itinanggi ng Philippine National Police na nagkaroon ng hostage-taking sa munisipyo ng Pandag, Maguindano Del Sur.
Taliwas ito sa pahayag ni dating Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu na hinostage ng grupo ni governor, Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang grupo ni pandag acting Mayor Zihan Mangudadatu.
Ayon kay acting PNP public Information Office Chief, Col. Red Maranan, walang katotohanan ang akusasyon ng dating gobernador at kongresista na nagkaroon ng hostage incident.
Wala rin anyang nagpaputok ng baril bagkus ay nagkaroon lamang ng komosyon at nagka-pisikalan ang magkabilang kampo.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP sa pangunguna ni Bangsamoro Regional Police Office Director, Brig. Gen. John Guyguyon.
Samantala, nag-viral din sa social media ang video ng insidente na nakunan ni dating governor Mangudadatu. — Mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)