Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos P29.8-M na halaga ng iligal na droga sa CARAGA region kahapon.
Sinunog ng PDEA gamit ang incinerator ang nasabat na iligal na droga mula sa iba’t ibang anti-illegal drug operations sa rehiyon.
Ito ay pinangunahan nina PDEA 13 Assistant Regional Director Mary Leslie Sharon Maquilang, Agusan Del Norte Provincial Administrator Elizabeth Marie Ramirez, at Col. Jose Manalad Jr.
Ang mga winasak na droga ay bahagi ng mga inihaing kaso sa Regional Trial Court (RTC) branches 3 at 4 sa Butuan City, RTC 28 sa Lianga, Surigao Del Sur at RTC branch 31 sa Dapa, Surigao Del Norte. —sa panulat ni Hannah Oledan