Patay ang anim na hinihinalang rebelde sa serye ng engkuwentro sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Ayon kay Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido, naganap ang engkuwentro ng 7th Infantry Battalion at 10 rebelde sa Sitio Sandigan at Sito Mudti sa Barangay Chua.
Ang tropa ng mga rebelde aniya ay pinamumunuan ng isang Dennis Dulonan o Kalbo, umano’y miyembro ng Executive Committee at Deputy Secretary ng mga naiwang miyembro ng East Daguma Front, Sub Regional Committee Daguma, Far South Mindanao Region.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang AK47, tatlong M16 rifles, magazines, propaganda materials at mga personal na gamit.