Kinondena ni National Security Adviser Clarita Carlos ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) matapos tambangan ang dalawang sundalo sa Sipalay City, Negros Occidental.
Ayon kay Carlos, nakalulungkot isipin na sa kabila ng mga matagumpay na operasyon at kahanga-hangang resulta ng pagtataguyod ng gobyerno ng kapayapaan ay nangyayari pa rin ang mga trahedya at karahasang dulot ng mga rebelde.
Matatandaang pinagbabaril ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sina Sgts. Regie Glendro at Ken Camilan ng 47th Infantry Battalion sa Barangay Camindangan, Sipalay City noong Nobyembre 24.