Nagtaas na ngayong araw ang toll rate sa CAVITEX C5 link.
Epektibo ang nasabing pagtaas pasado 12 am.
Ito’y inanunsyo ng CAVITEX Infrastructure Corporation (CIC) para sa mga motoristang dumaraan sa CAVITEX.
Tumaas ang provisional toll rate sa halagang P35 para sa Class 1, P69 sa Class 2 at P104 sa Class 3.
Samantala, sinasaklaw ng Segment 1 ang kahabaan ng Taguig hanggang Merville, habang ang Segment 3.2 ang Merville hanggang E. Rodriguez.
Magugunitang binuksan ang Segment 3.2 o CAVITEX C5 link flyover extension noong August 14 upang mapabilis ang biyahe na aabot lamang sa 1.6 kilometers patungong C5 road sa Taguig mula Merville, Parañaque. - sa panunulat ni Jenn Patrolla