Magpapatuloy ang level 8 category ng fuel surcharge domestic o international flights ng airline companies sa bansa sa susunod na buwan.
Batay sa pinakahuling abiso ng Civil Aeronautics Board (CAB), hindi mababago ang P253 hanggang P738 na fuel surcharge ng one-way ticket ng domestic flights samantala aabot sa P835 hanggang P6,208 naman ang fuel surcharge ng one-way ticket sa international flights sa bansa at depende sa destinasyon.
Gayunpaman, tinanggap ng local airline companies na manatili sa level 8 category ang fuel surcharge sa bansa habang patuloy na taas-baba ng produktong petrolyo at patuloy na pagbaba ng piso kontra dolyar.
Sa kabila nang pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa, tuloy pa rin ang promo fares ng airline companies para sa mga kababayan. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon