Pumalo sa mahigit 500 kaso ng Chikungunya ang naitala sa buong bansa simula Jan 1 hanggang Nov. 5 ngayong taon.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health, umabot sa 551 isang kaso ng Chikungunya ang naitala sa bansa, na 589% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Ang CALABARZON ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng Chikungunya na may 154, sinundan ng Central Visayas na may 114 at Davao na may 104.
Samantala, wala namang naitalang nasawi sa bansa dahil sa Chikungunya batay na rin sa datos ng DOH Epidemiology Bureau.
Ang Chikungunya ay isang mosquito-borne disease na kahalintulad ng Dengue na nagdudulot ng lagnat at pananakit ng katawan sa isang indibidwal.