Inalmahan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI ang paniningil ng Local Government ng Malay, Aklan ng P100 insurance sa mga turistang pupunta sa Boracay.
Inihayag ni dating PCCI – Boracay president Elena Bugger na dapat ay kinonsulta muna ng lokal na pamahalaan ang stakeholders bago maningil.
Ayon kay Bugger, nirerequire naman ng Department of Tourism ang lahat ng business establishment sa Bora na magkaroon ng third-party liability insurance, gaya sa mga accommdation na mayroon ding insurance.
Dagdag-gastos anya sa mga turista ang paniningil ng P100 na dapat ay gawing optional sa halip na sapilitan.
Sisimulan ngayong araw ang paniningil ng 100 peso insurance upang ma-protektahan ang mga bibisita sakaling magkaroon ng aksidente, lalo’t maraming aktibidad sa isla, gaya ng water activities.