Asahan bukas ang malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo.
Batay sa pagtaya, posibleng maglaro sa P3.50 hanggang P4.00 ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.
Maaari namang bumaba ng P2.20 hanggang P2.40 ang kada litro ng kerosene habang P1.00 hanggang P1.30 naman sa kada litro ng gasolina.
Una nang sinabi ni Asst. Director Rodela Romero ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau na ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa mainland China, mataas na crude inventory sa Estados Unidos at price cap na ipinatupad ng Russia sa krudo.