Umakyat na sa 321 ang death toll sa magnitude 5.6 na lindol na tumama sa West Java Province, Indonesia.
Ayon kay Disaster Mitigation Agency chief Suharyanto, tatlong bangkay ang natagpuan ng mga rescuer nitong linggo at walo naman noong Sabado habang patuloy na pinaghahanap ang 11 indibidwal na nawawala.
Umabot naman sa mahigit 62,000 na kabahayan ang nagtamo ng sira at mahigit 73,000 katao ang naapektuhan ng malakas na pagyanig.
Sinabi ng West Java Search and Rescue Agency na magpapatuloy ngayong araw ang rescue operations kung saan tututukan ang mga lugar kung saan pinaniniwalaang naroroon ang mga nawawalang indibidwal.
Nakatakda namang talakayin ng mga otoridad sa susunod na linggo kung palalawigin pa ang emergency response period.