Limang indibidwal ang nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter malapit sa isang Buddhist Temple sa Yangyang, South Korea.
Kabilang sa nasawi ang 71 taong gulang na piloto at 54 na taong gulang na mekaniko.
Ang nasabing helicopter ay gawa ng U.S. Helicopter manufacturer na Sikorsky.
Nagkapira-piraso ang bahagi nito at kalauna’y nagliyab na agad namang naapula ng mga otoridad kaya’t hindi na ito kumalat pa sa nasabing lugar.
Inatasan naman ni Prime Minister Han Duck-Soo ang Korea Forest Service at ang local authorities na pangasiwaan ito ng maayos at tiyakin ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawing biktima.