Nakatakda nang dumating bukas sa Pilipinas ang dalawa sa labindalawang FA-50 advance trainer at multirole supersonic fighter jet mula South Korea.
Ayon kay Air Force Spokesman Col. Enrico Canaya, lalapag ang dalawang aircraft sa Clark Air Base, sa Pampanga.
Isa anyang seremonya ang idaraos sa pangunguna ni Defense Secretary Voltaire Gazmin bilang pagsalubong sa dalawang bagong asset ng Air Force.
Karagdagang piloto naman ang sasanayin sa pagpapalipad ng mga FA-50 jets sa mga susunod na buwan.
Samantala, ang 10 nalalabing fighter trainer jets ay nakatakda namang i-deliver hanggang taong 2017.
By Drew Nacino