Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka hinggil sa paggamit ng mga pataba na naka-ban ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) sa Cordillera.
Ayon kay FPA, CAR Regional Officer Rogelio Tanguid, may sinuspende na mga fertilizer brand dahil sa hindi pagsunod ng rules at regulatory ng kagawaran.
Kabilang ang turbo prime, turbo multi, xian bee, takada triple 14 at vio-crop.
Batay sa resulta ng laboratory test, mababa ang nutrient ng mga nabanggit na fertilizer na may posibilidad na maapektuhan ang mga sakahan.
Nagpapaalala ang ahensya sa mga farmer at trader na huwag tangkilikin ang mga nasabing brand ng abono. –-mula sa panulat ni Jenn Patrolla