Kasado na ang isasagawang ika-64 Ramon Magsaysay award sa November 30 sa Maynila.
Ito ang itinuturing na bersyon ng nobel prize sa Asya.
Ayon sa Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF), igagawad ang parangal kina Gary Bencheghib ng Indonesia, Sotheara Chhim ng Cambodia, Tadashi Hattori ng Japan at Bernadette Madrid ng Pilipinas.
Samantala, maghahatid ng mensahe si Mechai Viravaidya ng Thailand na isang kilalang lider sa larangan ng public health, edukasyon at pagpapaunlad ng komunidad
Inimbitahan naman ng foundation ang publiko sa pagdiriwang ng insipiradong buhay ng 2022 Ramon Magsaysay awardees.
Maari ring manood ng live sa kanilang Facebook page at YouTube channel, dakong alas-4:30 ng hapon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla