Natapos na ang konstruksyon ng pagdarausan ng 51st International eucharistic congress sa cebu city.
Isang turn over ceremony ang idinaos sa pangunguna ng owner ng Duros Development Corporation na nagpatayo ng International Eucharistic Congress Pavillion at Archdiocese of Cebu.
Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, isang malaking sorpresa ng Diyos para sa kanila ang naturang gusali na may tatlong palapag.
Nagkakahalaga ang pavilion ng P550 million pesos na may anim na function rooms, isang plenary hall at theater at ginastusan ng DDC.
Idaraos sa cebu ang IEC sa Enero 24 hanggang 31 ng susunod na taon.
By Drew Nacino