Ipinanawagan ng isang grupo ang mas mahigpit na paglalagay ng label sa mga laruan.
Sinabi ito ng Ecowaste Coalition, grupong nagsusulong ng kalusugan at kaligtasan ng mga bata, ilang linggo na lang bago ang Pasko.
Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng Ecowaste Coalition, dapat na tumalima ang mga pagawaan ng laruan sa pagtiyak na ligtas ang kanilang kagamitan, lalo’t mabili ito tuwing pasko para sa mga bata.
Noong nakaraang linggo, aabot sa 25 laruan na nabili sa apat na lehitimong tindahan ang nadiskubreng hindi sumusunod sa toy labeling requirements.
Sa kabila ito ng mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 10620, o Toy and Game Safety Labeling Act kung saan dapat na dapat maayos ang pagkakabalot ng mga laruan, mayroong LTO number, age grading, cautionary statement o warnings, instructional literature at iba pa.