Dumipensa ang senado sa ginawa nitong pag-realign o paglipat ng P152M confidential at intelligence funds sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Naganap ito sa Bicameral Conference Committee Meeting ng panukalang 2023 National Budget.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, kailangang pangatwiranan ang confidential fund realignment dahil magkaiba ang bersyon ng Senado at Kamara sa pondo.
Makatwiran din aniya ang hakbang dahil hindi patas kung tatanggalin sa ibang programa ang pondo.
Matatandaang una rito, inaprubahan ng Senado ang realignment ng nasabing halaga para sa maintenance and other operating expenses ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Kasama rito ang confidential and intelligence funds sa Department of Education, Department of Foreign Affairs, Department of Justice, Department of Social Welfare and Development, Office of Ombudsman at iba pang tanggapan ng Pamahalaan.