Tinanggal na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang itinaas na red alert status sa luzon grid.
Ito ay matapos bumalik na sa normal ang operasyon ng dalawang pangunahing planta, dakong alas-11:30 ng tanghali kanina.
Ayon kay NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, nakatakda dapat ngayong alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi ang red alert status.
Nananatili namang nakataas ang yellow alert sa Luzon mula kaninang alas-3 hanggang alas-4 ng hapon, at mamayang alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.
Ang pagnipis ng suplay ng kuryente ay dahil sa sapilitang pagpatay ng anim na planta kabilang ang Calaca 2, GN Power 1, Sta. Rita Module 20, Masinloc 3, Sual 1 at San Buena-Ventura.
Tatlo namang planta ang tumatakbo sa limitadong kapasidad para sa kabuuang 2,648 megawatts na hindi magagamit sa grid.