Pinasinayaan ni DILG Undersecretary Oscar Valenzuela ang paglulunsad ng “Buhay Ingatan Droga’y Ayawan” (BIDA) program ng Philippine National Police ngayong umaga sa PNP Headquarters.
Sinabi ni Valenzuela, layunin ng naturang programa na ipabatid sa mga kabataan ang negatibong epekto ng iligal na droga at matulungan ang mga gumagamit nito sa pamamagitan ng pagsailalim sa rehabilitation.
Ipinaliwanag naman ni Police Lieutenant General Rhodel Sermonia ang kaibahan ng kasalukuyang programa sa programa noong nagdaang administrasyon upang malabanan ang iligal na droga sa bansa.
Nabatid na ilulunsad din sa iba pang lugar sa bansa ang bida programa at nauna na nga rito ang paglunsad sa naturang program sa Quezon City circle nitong sabado. – sa ulat mula kay Agustina Nolasco (Patrol 11).
-sa panunulat ni Hannah Beatrise Oledan