Isinusulong ng ilang mambabatas sa kamara ang panukalang pabilisin ang pagbibigay-tulong pinansyal sa mga persons in crisis situation.
Sa House Bill No. 1940 na inihain nina Tingog Party-List Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, layunin ng mga itong agad maibigay ang quarterly medical assistance na P1,000 sa 150,000 indibidwal o pamilya ng mga indigent, vulnerable at disadvantaged individuals.
Sinabi naman nina Romualdez at Acidre na ang assistance to individuals in crisis situation ay isang social safety net para suportahan na makabangon ang mga indibidwal o pamilya na nasa hindi magandang sitwasyon.
Samantala, isinusulong din ng dalawang opisyal ang pagbuo ng aics program tulad ng transportation assistance, medical assistance, burial assistance, education assistance, food assistance, cash assistance at psychosocial intervention.
Sa Ngayon, nakabinbin pa sa House Committee on Social Services ang nasabing panukala. – sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan