Umabot na sa mahigit 74 % ng mga barangay sa buong bansa ang idineklarang “Drug-free.”
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 403 barangay na ang drug-free matapos ang isinagawang anti-illegal drug operations ng mga otoridad.
Noong sabado, inilunsad ng gobyerno ang adbokasiyang tinawag na “BUHAY AY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN” (BIDA) Program na layong paigtingin ang kampanya laban sa naturang usapin.
Inaasahan naman ni Fajardo na maraming barangay ang makiki-isa sa implementasyon ng nasabing proyekto.