Patuloy na pinag-aaralan ng Manila Electric Company ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng Court of Appeals sa power supply agreement sa pagitan ng Meralco at Southern Premier Power Corporation, na subsidiary ng San Miguel Corporation.
Ayon kay Meralco Senior Vice President for Communications at spokesman Joe Zaldarriaga, umaasa sila aaksyon agad ang Department of Energy sa kanilang hirit na competitive selection process exemption sa ilang emergency power supply agreements na handa ng ipatupad.
Ito’y upang ma-protektahan ang mga customer laban sa posibleng mas mataas na presyo ng wholesale electricity spot market.
Sa ngayon anya ay prayoridad nilang matiyak na nagpapatuloy ang matatag, maaasahan at sapat na supply ng kuryente sa customers.
Patuloy ding kino-konsulta ng Meralco ang kanilang legal team upang mabatid ang mga susunod na hakbang.
Samantala, sakali namang magkaroon ng epekto ang nasabing TRO, posibleng maramdaman ito sa Disyembre at maaaring mag-reflect sa generation charge sa Enero.